Una sa lahat ano nga ba ang wika? At ano ang saliksik? Bakit
nai-uugnay ang wika sa saliksik? Ang wika ay isa sa napakahalagang aspeto upang
maging maunlad ang isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating
pagkakakilanlan. Ang wika ay hindi simple tulad ng iniisip ng iba bagkus ito ay
komplikado rin kapag wala kang sapat na karunungan patungkol dito kung kaya'y
kailangan din nating magsaliksik tungkol dito upang maging dalubhasa at
mabigyan ng hustisya ang paggamit nito.
Napakahalaga ang Wikang Filipino sapagkat ito
ang sumisimbolo sa ating pagkatao at sa ating kultura. Ito ang nagsisilbing
tulay at sinturon upang magkabuklod-buklod tayong mamamayan ng ating bansa.
Hindi tayo makakatuklas at makakagamit ng ibang wika hangga't hindi natin
tatanggapin ang sarili nating wika. Ang wika ang pinakamabisang paraan upang
maipabatid ang mga kaisipan at mapanatili ang kasaysayan at mga tala ng mga
sinaunang Pilipino. Napakahalaga ng wikang ito sapagkat ito ang pangunahing
instrumento nating Pilipino na maipahayag ang ating damdamin, saloobin,
kaisipan, opinyon at iba pa. Wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging
isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang
bansa.
Gamitin natin ang Wikang Filipino at ipakita sa
buong mundo na tayo ang taas noo'ng pinagsisigawan na tayo ay mamamayan ng
bansang Pilipinas. Ito ang sumisimbolo sa ating kalayaan sa mga mapang-aping
dayuhan na sumakop at umalipin sa ating bansa. Dapat huwag ikahiya ang wikang
naging instrumento sa pagkakaroon ng magandang edukasyon at mabisang
komunikasyon. Wikang sumisimbolo sa ating pagkatao at pagka-Pilipino. Wikang
nagpaunlad sa ating ekonomiya at bansa. Wikang pag-aari natin. Ang wikang
pambansa. Ito ang Wikang Filipino.
WoW!
ReplyDelete